Sunday, September 11, 2011

9-11 168

dahil 1 decade nang nakalipas mula nung 9/11 terror attack, pumunta kami sa 168. (ano konek?)
at i really really can't help but notice, nadominate na ng ANGRY BIRDS ang mall na dominated ng mga chinese friends naten.
opo! from hats, shirts, jackets, shorts, pants, sando, bra, brief, panty, slippers, shoes, socks, accessories, name it, angri birds lahat!
pwede ka ngang mag angry birds fashion for one week, or baka one month pa, bagsak presyo kasi lahat, at marami pang choices!

At first, matutuwa ka pa sa mga nakikita mo, pero habang tumatagal, NAUUUMAY ka na, at hanggang dumating ka na sa point na gusto mo nang magwala sa divisoria at hawiin ang lahat ng panindang angri birds inspired! try mo!

Saturday, September 10, 2011

STRAWLESS

Syempre, dahil kasama ko ang 1 year old kong kapatid, saan ba naman kami magmemeryenda kundi sa JOLLIBEE!!! (SM BAC)
well, ganun pa din ang Jollibee, spaghetti pa din ang kinain ko, pero may nagbago, JOLLIBEE IS NOW STRAWLESS!!
Yes, di na po sila nagbibigay ng straw, unless in some instances na bumili ka ng float (kaysa naman kutcharahin mo yon di ba?!), o kaya, kapag siguro naghysterical ka at gumawa ng eksena dahil sobrang gusto mong gumamit ng straw at ayaw mong madampi ang mga labi mo sa baso ng pulang bubuyog na yon!
pero take note, maganda tong campaign na to!
at least mababawasan ang paggamit natin ng plastic ng mga....siguro....0.5%...
sana next time, STYROLESS campaign naman! ibox na lang nila yung foods, pwede naman eh! parang RBX (rice in a box meaning nyan, utak naman!! )